Back

MANILA — Mahigit 6,700 kahina-hinalang merchant account na sangkot sa mga scam na gumagamit ng QRPh ang na-block ng GCash bilang bahagi ng pinaigting nitong kampanya laban sa mga mapanlinlang na transaksyon at upang maprotektahan ang lumalawak na paggamit ng QR-based payments sa bansa. 

Habang patuloy na dumarami ang mga Pilipinong gumagamit ng QRPh sa kanilang pang-araw-araw na pagbabayad, patuloy ring nagbabago ang mga taktika ng mga scammer. Bilang tugon, mas pinaigting ng GCash ang mga hakbang nito laban sa mga pekeng merchant at payment pages, kasabay ng patuloy nitong pagbibigay-kaalaman sa publiko kung paano matutukoy at maiiwasan ang mga bagong uri ng panloloko. 

Bagong panloloko gamit ang"quishing" o QR phishing. 

Isa sa mga lumalaganap na modus ay ang tinatawag na "quishing" o QR phishing. 

Sa ganitong paraan, ginagamit ng mga scammer ang QRPh codes upang dalhin ang mga user sa mapanlinlang na payment pages o makuha ang sensitibong impormasyon ng mga ito. 

Ginagamit din nila ang mga opisyal na logo at branding ng mga banko, e-wallet at iba pang kumpanya sa mga poster, email, resibo, o mensahe, upang magmukhang lehitimo Kapag na-scan ang mga ito, maaaring madala ang user sa mga pekeng login page ng e-wallet o bangko, o kaya naman sa mga website na naglalagay ng mapaminsalang software sa kanilang device.

Dahil dito, hindi namamalayan ng mga user na sa mga hindi lehitimong account napupunta ang kanilang pera, kahit tila normal o pamilyar ang transaksyon. 

Pinaigting na consumer protection 

Pinalakas ng GCash ang mga hakbang nito upang protektahan ang mga user laban sa quishing at iba pang QRPh-based scams. 

Agad nitong bina-block ang mga kahina-hinalang wallet na inuugnay sa mapanlinlang na QRPh activities. Tinutukoy at ipinapababa rin ang mga pekeng website na nagpapanggap bilang opisyal na GCash payment pages. 

Bahagi ang mga hakbang na ito ng mas pinalawak na pakikipagtulungan ng GCash sa mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), upang sugpuin ang mga scam network, palakasin ang proteksyon ng mga consumer, at mapanatili ang tiwala ng publiko sa digital payments ecosystem ng bansa. 

Kasabay nito, isinusumite ng kompanya ang mga ulat sa PH Payments Management Inc. (PPMI) at iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan upang makatulong sa mas malalim na imbestigasyon at pagpapatupad ng batas. 

"Patuloy na nagbabago ang mga taktika ng mga scammer kasabay ng pag-unlad ng digital payments, kaya patuloy din naming pinauunlad ang aming mga hakbang upang maunahan ang mga bantang ito,"

sabi ni GCash Chief Information Security Officer Miguel Geronilla. 

"Sa maagap na pag-block ng mga kahina-hinalang account, pagtukoy sa mga mapanlinlang na payment pages, at pakikipagtulungan sa mga regulator at law enforcement agencies,napipigilan ang mga panlolokong ito bago pa makaapekto sa mas maraming Pilipino," dagdag niya. 

Ayon pa kay Geronilla, prayoridad ng GCash ang kaligtasan at proteksyon ng bawat user. 

"Ang pagprotekta sa aming mga user ang pangunahing layunin ng aming platform. Wala kaming puwang para sa mga nagsasamantala sa digital financial services,”

aniya. 

Hinihikayat ng GCash ang mga user na manatiling mapagmatyag at ugaliing sundin ang ligtas na paggamit ng QR-based payments: 

a. Tiyaking tama at lehitimo ang website URL bago magbayad at siguraduhing ito ay opisyal na GCash domain. 

b. Suriing mabuti ang pangalan ng merchant bago kumpirmahin ang anumang transaksyon. 

c. Iwasang makipagtransaksyon sa mga kahina-hinala o hindi beripikadong website. 

d. Mag-ingat sa mga QR code na nagmumula sa hindi kilala o hindi pinagkakatiwalaang pinagmulan.

e. Iulat agad sa GCash Help Center ang mga kahina-hinalang link o payment request. 

Maaaring iulat ng mga user ang mga pinaghihinalaang scam sa GCash Help Center sa pamamagitan ng pakikipag-chat kay Gigi at pagpili sa "I want to report a scam," o sa pagtawag sa opisyal na GCash hotline na 2882. 

Maaari rin silang mag report sa mga sumusunod: 

  • PNP Anti-Cybercrime Group sa (02) 8414-1560 o 0998-598-8116, o sa pamamagitan ng email na acg@pnp.gov.ph. 
  • Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa hotline 1326, mobile number 0991-481-4225, o email na report@cicc.gov.ph. 

Sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at paggamit ng mga pinagkakatiwalaang platform, mas mapoprotektahan ng mga Pilipino ang kanilang pera at masisiguro na bawat pisong kanilang pinaghirapan ay napapakinabangan nang maayos.

About Mynt

Mynt is the first and only $5 billion unicorn in the Philippines. It's a leader in mobile financial services focused on accelerating financial inclusion through mobile money, financial services, and technology.  Mynt operates two fintech companies: GXI, the mobile wallet operator of GCash — the #1 Finance App in the Philippines, and Fuse Lending, a tech-based lending company that gives Filipinos access to microloans and business loans.

About GCash

GCash is the Philippines’ #1 Finance App and Largest Cashless Ecosystem. Through the GCash App, users can easily purchase prepaid airtime; pay bills via partner billers nationwide; send and receive money anywhere in the Philippines, even to other bank accounts; purchase from over 6 million partner merchants and social sellers; and get access to savings, credit, loans, insurance and invest money, and so much more, all at the convenience of their smartphones. GCash’s mobile wallet operations are handled by G-Xchange, Inc. (GXI), a wholly-owned subsidiary of Mynt, the first and only duacorn in the Philippines.

Mynt and GCash are staunch supporters of the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), particularly UN SDGs 5,8,10, and 13, which focus on safety & security, financial inclusion, diversity, equity, and inclusion as well as taking urgent action to combat climate change and its impacts, respectively.

For more information, please contact:

Bruce Rodriguez, Head of Business Communications

Corporate Communications

gcashcorpcomm@gcash.com

Legal Disclaimer & Safe Harbor Statement

This press release is for informational purposes only and does not constitute, or form part of, any offer, solicitation, or invitation to sell, issue, purchase, or subscribe for any securities in the Philippines, the United States, or any other jurisdiction. No securities of Mynt, Inc. have been or will be registered under the U.S. Securities Act of 1933, as amended, and such securities may not be offered or sold in the United States absent registration or an applicable exemption from registration requirements. There will be no public offering of the securities of the Company in the United States. No money, securities or other consideration is being solicited by this document or the information contained herein and, if sent in response to this document or the information contained herein, will not be accepted. Any potential initial public offering and listing in the Philippines, if pursued, remain fully subject to prevailing market conditions and regulatory approvals, including the registration requirements of the Philippine Securities and Exchange Commission and the listing rules of the Philippine Stock Exchange, Inc., and there can be no assurance that any such filings will be made or that any offering or listing will be consummated. This document contains forward-looking statements that involve inherent risks and uncertainties; actual results, timelines, and outcomes may differ materially from those projected due to shifting market dynamics, economic environments, and regulatory updates.

Related News

Back to Top